September 30, 2007
Ang masasayang nakaraan ay kay gandang balikan, mga nakaraang naging bahagi na ng ating buhay. Nagising ako ngayong umaga at ang unang nasa isip at puso ko ang aking naging mga kaibigan na minsan ay aking nakasama. I just don’t know, nararanasan ko sa aking buhay na ang mga lugar ay may mga sangkap kung saan nangyari ang ganoong mahiwagang katapatan ng mga tao sa isa’t isa. Nagiging mahalaga lamang ang isang lugar o ang isang panahon sapagkat may mahalagang pangyayari doon, at iyon ang pangyayaring hindi kailanman nawawalan ng halaga ni kumukupas na kahulugan — pakikipagkaibigan.Sa aking palagay, ang pinakamahiwagang himala na nangyayari lagi sa sanglibutan ito, sa gitna ng mga kahindik-hindik na karahasan, digmaan, alitan, ay ang pagsilang ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng dalawang tao.
Hindi ko mawari ang halu-halong nararamdaman. Matang masaya at nakangiti, mga mukhang payapa at mahinahon – sapagkat magkaibigan. Walang masabi kung hindi isang malutong na “Ingat” at isa pang “Ingat sila sa iyo.” Ingat sila sa iyo, iyan ang tinig ng nagtitiwala, tinig ng katapatan. Ingat naman ang tinig ng pagmamahal at pagkalinga. At meron pang pahabol, “salamat sa imong pakig-angay, kita usab ta, padayon” na ang ibig sa ay “salamat sa iyong pakikibagay, magkikita tayo muli, patuloy!”
Alam kong itatanong nyo sa sarili nyo kung bakit ito ang pamagat na naisip ko… pero alam na ito ng mga taong naging bahagi sa karanasan kong ito…