September 2007


Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mo na gawin s’yo, tayo’y pare pareho lang na tao lang .. may isip at damdamin at nanggaling sa mga magulang, wasto ang gulang , ngunit ng tinimbang ay kulang, at nang binilang sa pag ani ay nanlinlang, di na kuntento nag imbento, nang bumaliktad ay gumawa pa ng mga kwento, anong sinabi mo tungkol sa pagkatao ko, akoy hinusgahan ng walang basehan akala mo kung sino,  pwes makinig ka, di mo ako kilala ganun lamang ka simple… tanging ang dyos ang makapagsasabi kung sino ako ano ako at ang mga nangyari.. . HI-JAKKK

How come there are people like this… fooling other people… (Just an expression of my emotion) dont worry.. im still OK… :) PEACE…

Ang masasayang nakaraan ay kay gandang balikan, mga nakaraang naging bahagi na ng ating buhay. Nagising ako ngayong umaga at ang unang nasa isip at puso ko ang aking naging mga kaibigan na minsan ay aking nakasama. I just don’t know, nararanasan ko sa aking buhay na ang mga lugar ay may mga sangkap kung saan nangyari ang ganoong mahiwagang katapatan ng mga tao sa isa’t isa. Nagiging mahalaga lamang ang isang lugar o ang isang panahon sapagkat may mahalagang pangyayari doon, at iyon ang pangyayaring hindi kailanman nawawalan ng halaga ni kumukupas na kahulugan — pakikipagkaibigan.Sa aking palagay, ang pinakamahiwagang himala na nangyayari lagi sa sanglibutan ito, sa gitna ng mga kahindik-hindik na karahasan, digmaan, alitan, ay ang pagsilang ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng dalawang tao.

Hindi ko mawari ang halu-halong nararamdaman. Matang masaya at nakangiti, mga mukhang payapa at mahinahon – sapagkat magkaibigan. Walang masabi kung hindi isang malutong na “Ingat” at isa pang “Ingat sila sa iyo.” Ingat sila sa iyo, iyan ang tinig ng nagtitiwala, tinig ng katapatan. Ingat naman ang tinig ng pagmamahal at pagkalinga. At meron pang pahabol, “salamat sa imong pakig-angay, kita usab ta, padayon” na ang ibig sa ay “salamat sa iyong pakikibagay, magkikita tayo muli, patuloy!”

Alam kong itatanong nyo sa sarili nyo kung bakit ito ang pamagat na naisip ko… pero alam na ito ng mga  taong naging bahagi sa karanasan kong ito…

Ano kaya ang magandang gawin bukas? ang dami kong naiisip and hirap na nagcacalculate ang mind ko sa mga pwedeng gawin ko bukas …. my point is maging productive ang day ko.

Eto ang mga nasaisip ko:

  • Gumising ng maaga para mag run for about 5K.
  • Maglinis nalang sa bahay.
  • Pumunta sa mall at mag grocery ng kaunti.
  • Mag-iinternet buong araw.

Habang nagsusulat ako ngayon, sigurado na sa isip ko ang pag takbo… the rest of the day is hindi ko pa alam.

Sa kahit anong oras na dumating ako sa bahay sa kung ano mang dahilan eh di ko maiwasan na gumamit ng computer. Puyat at pagod na ay naka tutok parin sa screen na di alam kung anong ang gagawin. Sa bandang huli, napag isip- sip ko na sa halip na mag browse sa internet ng kung anu-anong mga inpormayson minabuti ko nalang na gumawa ng blog.

Hindi ko alam kung nagsisimula na ako o hindi dahil ang totoo, sa mga oras na ito ay di ko alam ang aking mga pinagsasabi…

Matagal na rin akong nagbabasa ng mga blogs kaya medyo na inggit ako… kaya eto … eto na..

Computer Addict